Isaias 5:25-27
Ang Biblia (1978)
25 Kaya't (A)nagalab ang galit ng Panginoon laban sa kaniyang bayan, at iniunat niya ang kaniyang kamay laban sa kanila, at sinaktan sila, at ang mga burol ay nanginig, at ang kanilang mga bangkay ay naging dumi sa gitna ng mga lansangan. Sa lahat ng ito ay hindi napawi ang kaniyang galit, kundi laging nakaunat ang kaniyang kamay.
26 At siya'y magtataas ng watawat (B)sa mga bansa mula sa malayo, at (C)susutsutan sila mula sa (D)wakas ng lupa: at, narito, sila'y darating na lubhang nagmamadali:
27 Walang mapapagod o matitisod man sa kanila; walang iidlip o matutulog man; ni hindi man kakalagin ang pamigkis ng kanilang mga balakang, o mapapatid man ang mga panali ng kanilang mga panyapak:
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978