Font Size
Isaias 5:9-11
Ang Biblia, 2001
Isaias 5:9-11
Ang Biblia, 2001
9 Sa aking pandinig ang Panginoon ng mga hukbo ay sumumpa:
“Tiyak na maraming bahay ang magigiba,
malalaki at magagandang bahay, na walang naninirahan.
10 Sapagkat ang walong ektarya[a] ng ubasan ay magbubunga lamang ng limang galon,[b]
at sampung omer[c] ng binhi ay magbubunga lamang ng isang efa.”[d]
11 Kahabag-habag sila na bumabangong maaga sa umaga,
upang sila'y makasunod sa nakalalasing na inumin;
na nagpupuyat hanggang sa kalaliman ng gabi,
hanggang sa mag-alab ang alak sa kanila!
Footnotes
- Isaias 5:10 Sa Hebreo ay sampung acre .
- Isaias 5:10 Sa Hebreo ay 5 bat .
- Isaias 5:10 o kaban .
- Isaias 5:10 o kaban .