Add parallel Print Page Options

Tingnan ninyo si Abraham na (A)inyong ama, at si Sara na nanganak sa inyo; (B)sapagka't nang siya'y iisa ay tinawag ko siya, at (C)aking pinagpala siya, at aking pinarami siya.

Sapagka't (D)inaliw ng Panginoon ang Sion; kaniyang pinasaya ang lahat niyang (E)sirang dako, at ginawa niyang parang Eden ang kaniyang ilang, at ang kaniyang lupang masukal ay (F)parang halamanan ng Panginoon; kagalakan at kasayahan ay masusumpungan doon, pagpapasalamat, at tinig na mainam.

Makinig ka sa akin, Oh bayan ko; at pakinggan mo ako, Oh bansa ko: (G)sapagka't isang kautusan ay magmumula sa akin, at ang aking kahatulan ay gagawin kong (H)pinakaliwanag sa mga bayan.

Read full chapter