Add parallel Print Page Options

Ang Nagdurusang Lingkod

13 Sinabi ni Yahweh,
“Ang lingkod ko'y magtatagumpay sa kanyang gawain;
    mababantog siya at dadakilain.
14 Marami ang nagulat nang siya'y makita,
    dahil sa pagkabugbog sa kanya,
    halos hindi makilala kung siya ay tao.
15 Ngayo'y(A) marami rin ang mga bansang magugulantang;
    pati mga hari kapag siya'y nakita ay matitigilan.
Makikita nila ang hindi nabalita kahit na kailan,
    at mauunawaan ang hindi pa narinig ninuman!”

Read full chapter