Font Size
Isaias 52:4-6
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Isaias 52:4-6
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
4 Ganito ang sabi ng Panginoong Yahweh: “Sa simula, ang mga hinirang ko'y nanirahan sa Egipto bilang mga dayuhan. Pagkatapos, inalipin kayo ng mga taga-Asiria na hindi man lamang binayaran. 5 Ganyan(A) din ang nangyari sa inyo nang kayo'y bihagin sa Babilonia. Binihag kayo at hindi binayaran. Nagmamayabang ang mga bumihag sa inyo. Walang humpay ang kanilang paglait sa aking pangalan. 6 Kaya darating ang araw, malalaman ninyong ako ang Diyos na nagsalita sa inyo.”
Read full chapter