Isaias 53:7-9
Ang Biblia (1978)
7 Siya'y napighati, gayon man nang siya'y dinalamhati ay (A)hindi nagbuka ng kaniyang bibig; (B)gaya ng kordero na dinadala sa patayan, at gaya ng tupang nasa harap ng mga manggugupit sa kaniya ay pipi, gayon ma'y hindi niya binuka ang kaniyang bibig.
8 Sa pamamagitan ng kapighatian at kahatulan ay dinala siya: at tungkol sa kaniyang lahi, (C)sino sa kanila ang gumunita na siya'y nahiwalay sa lupain ng buhay? dahil sa pagsalangsang ng aking bayan ay nasaktan siya.
9 At ginawa nila ang kaniyang libingan na kasama ng mga masama, at kasama (D)ng isang lalaking mayaman sa kaniyang kamatayan; bagaman (E)hindi siya gumawa ng pangdadahas, o wala mang anomang karayaan sa kaniyang bibig.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978