Font Size
Isaias 54:10-12
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Isaias 54:10-12
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
10 Maguguho(A) ang mga bundok at ang mga burol ay mayayanig,
ngunit ang wagas na pag-ibig ko'y hindi maglalaho,
at mananatili ang kapayapaang aking ipinangako.”
Iyan ang sinasabi ni Yahweh, na nagmamahal sa iyo.
Ang Jerusalem sa Panahong Darating
11 Sinabi(B) (C) ni Yahweh,
“O Jerusalem, nagdurusang lunsod
na walang umaliw sa kapighatian.
Muling itatayo ang mga pundasyon mo, ang gagamitin ko'y mamahaling bato.
12 Rubi ang gagamitin sa iyong mga tore,
batong maningning ang iyong pintuan
at sa mga pader ay mga hiyas na makinang.