Font Size
Isaias 56:1-3
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Isaias 56:1-3
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ang Pagpapala sa Lahat ng Bansa
56 Ito ang sinasabi ng Panginoon: “Pairalin ninyo ang katarungan at katuwiran dahil malapit ko na kayong iligtas. 2 Mapalad ang mga taong gumagawa nito at ang mga sumusunod sa aking mga ipinapagawa sa Araw ng Pamamahinga. Mapalad din ang taong hindi gumagawa ng masama.”
3 Huwag isipin ng mga dayuhang nag-alay ng kanilang sarili sa Panginoon na hindi sila isasama ng Panginoon sa kanyang mga mamamayan. Huwag ding isipin ng mga taong nagpakapon na dahil hindi na sila magkakaanak,[a] ay hindi sila maaaring isama sa mga mamamayan ng Dios.
Read full chapterFootnotes
- 56:3 hindi na sila magkakaanak: sa literal, ang katulad nila ay patay na puno.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®