Font Size
Isaias 57:7-9
Ang Biblia, 2001
Isaias 57:7-9
Ang Biblia, 2001
7 Sa isang mataas at matayog na bundok
ay inilagay mo ang iyong higaan;
doon ka naman sumampa upang maghandog ng alay.
8 At sa likod ng mga pintuan at ng mga hamba
ay itinaas mo ang iyong sagisag;
sapagkat hinubaran mo ang iyong sarili sa iba kaysa akin,
at ikaw ay sumampa roon,
iyong pinaluwang ang iyong higaan;
at nakipagtipan ka sa kanila,
iyong inibig ang kanilang higaan,
minasdan mo ang kanilang pagkalalaki.
9 Ikaw ay naglakbay sa hari na may dalang langis,
at pinarami mo ang iyong mga pabango;
at iyong ipinadala ang iyong mga sugo sa malayo,
at iyong pinababa hanggang sa Sheol.