Font Size
Isaias 6:8-10
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Isaias 6:8-10
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
8 At narinig ko ang tinig ni Yahweh na nagsasabi, “Sino ang aking ipadadala? Sino ang magpapahayag para sa atin?” Sumagot ako, “Narito po ako; ako ang inyong isugo!” 9 At(A) sinabi niya, “Humayo ka at sabihin mo sa mga tao:
‘Makinig man kayo nang makinig ay hindi kayo makakaunawa;
tumingin man kayo nang tumingin ay hindi kayo makakakita.’
10 Papurulin mo ang kanilang kaisipan,
kanilang pandinig iyo ring takpan,
bulagin mo sila upang hindi makakita,
upang sila'y hindi makarinig, hindi makakita, at hindi makaunawa.
Kundi'y baka magbalik-loob sila at sila'y pagalingin ko pa.”