Font Size
Isaias 61:5-7
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Isaias 61:5-7
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
5 Paglilingkuran kayo ng mga dayuhan,
at sila ang magpapastol ng inyong mga kawan;
mga dayuhan din ang magsasaka ng inyong lupain at mag-aalaga ng inyong ubasan.
6 Ngunit kayo nama'y tatawaging mga pari ni Yahweh,
at makikilalang mga lingkod ng ating Diyos.
Pagpipistahan ninyo ang kayamanan ng mga bansa.
Ipagmamalaking inyo na ang karangyaang dati'y sa kanila.
7 Sa halip na kahihiyan, ang bayan ko'y tatanggap ng kasaganaan.
Sa halip na paghamak, sila'y magsasaya sa kanilang minana,
magiging doble ang inyong kayamanan;
at ang inyong kagalaka'y magpasawalang hanggan.