Add parallel Print Page Options

Sapagka't hindi narinig ng mga tao mula nang una, (A)o naulinigan man ng pakinig, o ang mata ay nakakita man ng Dios liban sa iyo, na iginagawa niya ng kabutihan ang naghihintay sa kaniya.

(B)Iyong sinasalubong siya na nagagalak at gumagawa ng katuwiran, yaong nagsialaala sa iyo sa iyong mga daan: narito, ikaw ay napoot, at kami ay nagkasala: napasa kanila kaming malaong panahon; at maliligtas baga kami?

(C)Sapagka't kaming lahat ay naging parang marumi, at ang (D)lahat naming katuwiran ay naging parang basahang marumi: at (E)nalalantang gaya ng dahon kaming lahat; at tinatangay kami ng aming mga kasamaan, na parang hangin.

Read full chapter