Add parallel Print Page Options

(A)Sapagka't kaming lahat ay naging parang marumi, at ang (B)lahat naming katuwiran ay naging parang basahang marumi: at (C)nalalantang gaya ng dahon kaming lahat; at tinatangay kami ng aming mga kasamaan, na parang hangin.

At walang tumatawag ng iyong pangalan, na gumigising upang manghawak sa iyo; sapagka't (D)ikinubli mo ang iyong mukha sa amin, at iyong pinugnaw kami sa aming mga kasamaan.

Nguni't ngayon, Oh Panginoon, (E)ikaw ay aming Ama; kami ang malagkit na putik, (F)at ikaw ay magpapalyok sa amin; at kaming lahat ay (G)gawa ng iyong kamay.

Read full chapter