Font Size
Isaias 8:6-8
Magandang Balita Biblia
Isaias 8:6-8
Magandang Balita Biblia
6 “Sapagkat tinanggihan ng bayang ito ang tubig ng Siloe na umaagos nang banayad,
at nangangatog[a] sila sa harapan ni Rezin, at ng anak ni Remalias;
7 ipadadala sa kanila ng Panginoon ang hari ng Asiria at ang kanyang mga hukbo,
na lulusob tulad ng malakas na agos ng Ilog Eufrates.
8 Parang baha ito na aagos sa Juda,
tataas ang tubig nang hanggang leeg, at lalaganap ito sa buong lupain mo, O Emmanuel.”
Footnotes
- Isaias 8:6 nangangatog: o kaya'y nagdiriwang.
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.