Add parallel Print Page Options

Ang Mensahe tungkol kay Jehoyakin

24 “Ako, ang buhay na Panginoon, ay sumusumpa na itatakwil kita, Haring Jehoyakin ng Juda na anak ni Jehoyakim. Kahit para kang singsing sa aking kanang kamay[a] na tanda ng kapangyarihan ko, tatanggalin kita sa daliri ko. 25 Ibibigay kita sa mga nais pumatay sa iyo na kinatatakutan mo. Ibibigay kita kay Haring Nebucadnezar ng Babilonia at sa mga kawal[b] niya. 26 Ikaw at ang iyong ina ay ipapatapon ko sa ibang bansa at doon kayo mamamatay. 27 At hindi na kayo makakabalik sa lupaing ninanais nʼyong balikan. 28 Jehoyakin, para kang basag na palayok na hindi na mapapakinabangan. Kaya itatapon ko kayo ng mga anak mo sa bansang hindi nʼyo alam.”

29 O lupain ng Juda, pakinggan mo ang salita ng Panginoon. 30 Sapagkat ito ang sinasabi niya, “Isulat nʼyo na ang taong ito na si Jehoyakin na parang walang anak, sapagkat wala ni isa man sa kanyang mga anak ang luluklok sa trono ni David bilang hari ng Juda. At hindi rin siya magtatagumpay sa pamumuhay niya.”

Read full chapter

Footnotes

  1. 22:24 singsing … kanang kamay: Ito ang tanda na ang hari ang kinatawan ng Dios.
  2. 22:25 mga kawal: sa literal, mga Caldeo.