Font Size
Jeremias 26:3-6
Ang Biblia, 2001
Jeremias 26:3-6
Ang Biblia, 2001
3 Marahil ay makikinig sila, at bawat tao ay tatalikod sa kanyang masamang lakad; upang baguhin ko ang aking isip tungkol sa kasamaan na aking pinanukalang gawin dahil sa kanilang masasamang gawa.
4 Sasabihin mo sa kanila, ‘Ganito ang sabi ng Panginoon: Kung hindi kayo makikinig sa akin, upang lumakad sa aking kautusan na aking inilagay sa harapan ninyo,
5 at pakinggan ang mga salita ng aking mga lingkod na propeta, na kaagad kong sinugo, bagama't hindi ninyo pinakinggan,
6 ay(A) akin ngang gagawing gaya ng Shilo ang bahay na ito, at gagawin kong sumpa ang lunsod na ito para sa lahat ng mga bansa sa lupa.’”
Read full chapter