Add parallel Print Page Options

Balaan mo ang mga taga-Jerusalem[a] na tumakas agad sila dahil magpapadala ako ng kapahamakan mula sa hilaga.”

Ang tagapagwasak na sasalakay sa mga bansa ay parang leon na lumabas sa pinagtataguan nito. Nakaalis na siya sa lugar niya para wasakin ang lupain ninyo. Magigiba ang mga bayan ninyo hanggang sa hindi na ito matirhan. Kaya isuot nʼyo na ang damit na panluksa[b] at umiyak dahil matindi pa rin ang galit ng Panginoon sa atin.

Read full chapter

Footnotes

  1. 4:6 Jerusalem: sa Hebreo, Zion.
  2. 4:8 damit na panluksa: sa literal, sakong damit.