Add parallel Print Page Options

Ang Martilyo ng Panginoon

20 Sinabi ng Panginoon, “Ikaw[a] ang panghampas ko, ang panghampas ko sa digmaan. Sa pamamagitan mo, wawasakin ko ang mga bansa at kaharian, 21 ang mga kabayo, karwahe at ang mga nakasakay dito. 22 Sa pamamagitan mo, lilipulin ko ang mga lalaki at babae, matatanda at bata, at ang mga binata at dalaga. 23 Lilipulin ko rin sa pamamagitan mo ang mga kawan at mga pastol, ang mga magbubukid at mga baka, ang mga pinuno at iba pang mga namamahala.

Read full chapter

Footnotes

  1. 51:20 Ikaw: Maaaring si Cyrus, ang ginamit ng Panginoon para magtagumpay sa Babilonia.