Font Size
Jeremias 11:18-20
Ang Biblia (1978)
Jeremias 11:18-20
Ang Biblia (1978)
18 At binigyan ako ng kaalaman ng Panginoon tungkol doon, at naalaman ko: nang magkagayo'y ipinakita mo sa akin ang kanilang mga gawa.
19 Nguni't ako'y (A)gaya ng maamong kordero na pinapatnubayan sa patayan; at hindi ko naalaman (B)na sila'y nangakakatha na ng mga katha laban sa akin, na nangagsasabi, Ating sirain ang punong kahoy sangpu ng bunga niyaon, at ating ihiwalay siya sa (C)lupain ng buháy, upang ang kaniyang pangalan ay (D)huwag ng maalaala.
20 Nguni't, Oh Panginoon ng mga hukbo, na humahatol ng matuwid, na tumatarok (E)ng puso at ng pagiisip, ipakita mo sa akin ang iyong kagantihan sa kanila; sapagka't sa iyo inihayag ko ang aking usap.
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978