Add parallel Print Page Options

19 Nguni't ako'y (A)gaya ng maamong kordero na pinapatnubayan sa patayan; at hindi ko naalaman (B)na sila'y nangakakatha na ng mga katha laban sa akin, na nangagsasabi, Ating sirain ang punong kahoy sangpu ng bunga niyaon, at ating ihiwalay siya sa (C)lupain ng buháy, upang ang kaniyang pangalan ay (D)huwag ng maalaala.

20 Nguni't, Oh Panginoon ng mga hukbo, na humahatol ng matuwid, na tumatarok (E)ng puso at ng pagiisip, ipakita mo sa akin ang iyong kagantihan sa kanila; sapagka't sa iyo inihayag ko ang aking usap.

21 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon tungkol sa mga lalake ng Anathoth na (F)nagsisiusig ng iyong buhay, na nangagsasabi, Ikaw ay (G)huwag manghuhula sa pangalan ng Panginoon, (H)upang huwag kang mamatay sa aming kamay;

Read full chapter