Add parallel Print Page Options

13 Sila'y nangaghasik ng (A)trigo, at nagsiani ng mga tinik: sila'y nangagpakahirap, at walang pinakikinabang: at kayo'y mangapapahiya sa inyong mga gawa, dahil sa mabangis na galit ng Panginoon.

14 Ganito ang sabi ng Panginoon laban sa lahat na masama (B)kong kapuwa, (C)na nagsisigalaw ng mana sa aking bayang Israel, Narito, akin (D)silang bubunutin sa kanilang lupain, at aking bubunutin ang sangbahayan ni Juda sa gitna nila.

15 At mangyayari, na pagkatapos na aking mabunot sila, ako'y babalik at maaawa sa kanila; (E)at aking ibabalik sila uli, bawa't tao ay sa kaniyang mana, at bawa't tao ay sa kaniyang lupain.

Read full chapter