Add parallel Print Page Options

16 Parangalan ninyo si Yahweh na inyong Diyos,
    bago niya palaganapin ang kadiliman,
    at bago kayo madapa sa mga bundok kapag dumilim na;
bago niya gawing matinding kadiliman
    ang liwanag na inaasahan ninyo.
17 Ngunit kung hindi kayo makikinig,
    palihim akong tatangis dahil sa inyong kapalaluan;
buong kapaitan akong iiyak, at tutulo ang aking mga luha
    sapagkat nabihag ang bayan ko.

18 Sinabi ni Yahweh kay Jeremias, “Sabihin mo sa hari at sa kanyang inang reyna na bumabâ na sa kanilang trono sapagkat naalis na sa kanilang ulo ang magaganda nilang korona.

Read full chapter