Font Size
Jeremias 14:20-22
Ang Biblia (1978)
Jeremias 14:20-22
Ang Biblia (1978)
20 Aming kinikilala, Oh Panginoon, ang aming kasamaan, at ang kasamaan ng aming mga magulang; (A)sapagka't kami ay nangagkasala laban sa iyo.
21 Huwag mo kaming kayamutan, (B)alangalang sa iyong pangalan; huwag mong hamakin ang luklukan ng iyong kaluwalhatian: (C)iyong alalahanin, huwag mong sirain ang iyong tipan sa amin.
22 Mayroon bagang sinoman (D)sa gitna ng mga walang kabuluhan ng mga bansa na makapagpapaulan? o makapagpapaambon baga ang mga langit? (E)Hindi baga ikaw ay siya, Oh Panginoon naming Dios? kaya't kami ay mangaghihintay sa iyo; sapagka't iyong ginawa ang lahat na bagay na ito.
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978