Font Size
Jeremias 14:6-8
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Jeremias 14:6-8
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
6 Ang mga asnong-gubat ay tumatayo sa mga burol at humihingal na parang asong-gubat.[a] Nanlalabo na ang kanilang paningin dahil sa kawalan ng pagkain.”
7 Sinabi ng mga tao, “O Panginoon, nagkasala po kami sa inyo. Palagi kaming lumalayo sa inyo kaya dapat lang kaming parusahan. Pero tulungan po ninyo kami ngayon, alang-alang sa karangalan ng pangalan ninyo. 8 O Panginoon, kayo po ang tanging pag-asa ng Israel, ang Tagapagligtas niya sa panahon ng kaguluhan. Bakit naging parang dayuhan kayo rito sa amin? Bakit po kayo parang manlalakbay na tumitigil lang ng isang gabi sa bansa namin?
Read full chapterFootnotes
- 14:6 asong-gubat: sa Ingles, “jackal.”
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®