Add parallel Print Page Options

“Ako'y magtatalaga sa kanila ng apat na bagay, sabi ng Panginoon: ang tabak upang pumatay, mga aso upang lumapa, at ang mga ibon sa himpapawid at mga hayop sa lupa upang lumamon at lumipol.

At(A) gagawin ko silang katatakutan ng lahat ng mga kaharian sa lupa dahil sa ginawa sa Jerusalem ni Manases, na anak ni Hezekias, hari ng Juda.

“Sinong mahahabag sa iyo, O Jerusalem,
    o sinong tataghoy sa iyo?
Sinong hihinto
    upang itanong ang iyong kalagayan?

Read full chapter