Font Size
Jeremias 15:3-5
Magandang Balita Biblia
Jeremias 15:3-5
Magandang Balita Biblia
3 Apat na nakakapangilabot na parusa ang ipinasiya kong ipadala sa kanila: Sila'y mamamatay sa digmaan; lalapain ng mga aso ang kanilang mga bangkay; kakainin ng mga buwitre ang kanilang laman; at sisimutin ng mababangis na hayop ang anumang matitira. 4 Gagawin(A) ko silang kahindik-hindik sa lahat ng tao sa buong daigdig, dahil sa mga ginawa sa Jerusalem ni Manases na anak ni Hezekias noong siya'y hari sa Juda.
5 “Sino ang mahahabag sa inyo, mga taga-Jerusalem,
at sino ang malulungkot sa sinapit ninyo?
Sino ang mag-uukol ng panahon
upang alamin ang inyong kalagayan?
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.