Add parallel Print Page Options

Apat na nakakapangilabot na parusa ang ipinasiya kong ipadala sa kanila: Sila'y mamamatay sa digmaan; lalapain ng mga aso ang kanilang mga bangkay; kakainin ng mga buwitre ang kanilang laman; at sisimutin ng mababangis na hayop ang anumang matitira. Gagawin(A) ko silang kahindik-hindik sa lahat ng tao sa buong daigdig, dahil sa mga ginawa sa Jerusalem ni Manases na anak ni Hezekias noong siya'y hari sa Juda.

“Sino ang mahahabag sa inyo, mga taga-Jerusalem,
    at sino ang malulungkot sa sinapit ninyo?
Sino ang mag-uukol ng panahon
    upang alamin ang inyong kalagayan?

Read full chapter