Font Size
Jeremias 15:4-6
Ang Biblia, 2001
Jeremias 15:4-6
Ang Biblia, 2001
4 At(A) gagawin ko silang katatakutan ng lahat ng mga kaharian sa lupa dahil sa ginawa sa Jerusalem ni Manases, na anak ni Hezekias, hari ng Juda.
5 “Sinong mahahabag sa iyo, O Jerusalem,
o sinong tataghoy sa iyo?
Sinong hihinto
upang itanong ang iyong kalagayan?
6 Itinakuwil mo ako, sabi ng Panginoon,
patuloy kang umuurong;
kaya't iniunat ko ang aking kamay laban sa iyo, at pinuksa kita;
pagod na ako sa pagiging mahabagin.