Font Size
Jeremias 15:4-6
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Jeremias 15:4-6
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
4 Gagawin(A) ko silang kahindik-hindik sa lahat ng tao sa buong daigdig, dahil sa mga ginawa sa Jerusalem ni Manases na anak ni Hezekias noong siya'y hari sa Juda.
5 “Sino ang mahahabag sa inyo, mga taga-Jerusalem,
at sino ang malulungkot sa sinapit ninyo?
Sino ang mag-uukol ng panahon
upang alamin ang inyong kalagayan?
6 Ako'y itinakwil ninyong lahat;
kayo'y tumalikod sa akin.
Kaya pagbubuhatan ko kayo ng kamay at aking dudurugin,
sapagkat hindi ko mapigil ang poot ko sa inyo.
Akong si Yahweh ang nagsasalita.