Font Size
Jeremias 16:15-17
Ang Biblia (1978)
Jeremias 16:15-17
Ang Biblia (1978)
15 Kundi, Buháy ang Panginoon, na nagahon ng mga anak ni Israel (A)mula sa lupain ng hilagaan, at mula sa lahat ng lupain na kinatabuyan sa kanila. At (B)akin silang ipapasok uli sa kanilang lupain na aking ibinigay sa kanilang mga magulang.
16 Narito, ipasusundo ko ang (C)maraming mangingisda, sabi ng Panginoon, at magsisipangisda sila; at ipasusundo ko pagkatapos ang maraming mangangaso, at sila'y magsisipangaso sa bawa't bundok, at sa bawa't burol, at sa mga (D)bitak ng mga malaking bato.
17 Sapagka't ang aking mga mata ay nangasa lahat ng kanilang lakad, sila'y hindi nangakukubli sa aking mukha, o nangalilingid man ang kanilang kasamaan sa harap ng aking mga mata.
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978