Jeremias 18:18-20
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
18 Pagkatapos, sinabi ng mga tao, “Halikayo, gumawa tayo ng paraan para mapatigil natin si Jeremias! May mga pari rin tayong magtuturo sa atin ng kautusan, at may mga pantas din tayong magpapayo sa atin, at mga propetang magpapahayag sa atin ng mensahe ng Dios. Kaya gumawa tayo ng mga kwento laban sa kanya at huwag na nating pakinggan ang mga sinasabi niya.”
19 Kaya nanalangin ako, “O Panginoon, tulungan nʼyo po ako! Pakinggan nʼyo po ang balak ng mga kaaway ko sa akin. 20 Mabuti po ang ginagawa ko sa kanila pero masama ang iginaganti nila sa akin. Humukay po sila para mahulog ako sa hukay na iyon, kahit na dumulog ako sa inyo at nanalangin na huwag nʼyo silang parusahan dahil sa galit nʼyo sa kanila.
Read full chapterAng Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®