Font Size
Jeremias 18:19-21
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Jeremias 18:19-21
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
19 Kaya nanalangin ako, “O Panginoon, tulungan nʼyo po ako! Pakinggan nʼyo po ang balak ng mga kaaway ko sa akin. 20 Mabuti po ang ginagawa ko sa kanila pero masama ang iginaganti nila sa akin. Humukay po sila para mahulog ako sa hukay na iyon, kahit na dumulog ako sa inyo at nanalangin na huwag nʼyo silang parusahan dahil sa galit nʼyo sa kanila. 21 Pero ngayon, pabayaan po ninyong mamatay ang mga anak nila sa gutom at digmaan. Pabayaan nʼyong mabiyuda ang mga babae at mawala ang mga anak nila. Pabayaan nʼyo pong mamatay ang kanilang mga lalaki sa sakit at ang mga kabataang lalaki sa digmaan.
Read full chapter
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®