Add parallel Print Page Options

Sapagka't kanilang pinabayaan (A)ako, at kanilang pinapaging iba ang dakong ito, at nangagsunog sila ng kamangyan dito sa ibang mga dios, na hindi nila nakilala, nila at ng kanilang mga magulang at ng mga hari sa Juda, at pinuno ang dakong ito ng dugo ng mga walang sala,

At (B)itinayo ang mga mataas na dako ni Baal, (C)upang sunugin ang kanilang mga anak sa apoy na mga pinakahandog na susunugin kay Baal; (D)na hindi ko iniutos, o sinalita man, o pumasok man sa aking pagiisip:

Kaya't narito, ang mga kaarawan ay dumarating, sabi ng Panginoon, na ang dakong ito ay hindi na tatawaging (E)Topheth, ni (F)Ang libis ng anak ni Hinnom, kundi Ang libis ng Patayan.

Read full chapter