Add parallel Print Page Options

15 Ang mga batang leon ay nagsiungal laban sa kanya,
    at sila'y malakas na nagsiungal.
Winasak nila ang kanyang lupain;
    ang kanyang mga lunsod ay guho, walang naninirahan.
16 Bukod dito'y binasag[a] ng mga anak ng Memfis at ng Tafnes
    ang bao ng iyong ulo.
17 Hindi ba ikaw na rin ang nagdala nito sa iyong sarili,
    dahil sa iyong pagtalikod sa Panginoon mong Diyos,
    nang kanyang patnubayan ka sa daan?

Read full chapter

Footnotes

  1. Jeremias 2:16 o inahitan .