Font Size
Jeremias 21:12-14
Ang Biblia (1978)
Jeremias 21:12-14
Ang Biblia (1978)
12 Oh sangbahayan ni David, ganito ang sabi ng Panginoon, Maglapat ka ng kahatulan (A)sa umaga, at iligtas mo ang nanakawan sa kamay ng mamimighati, baka ang aking kapusukan ay lumabas na parang apoy, at magningas na walang makapatay, dahil sa kasamaan ng inyong mga gawain.
13 Narito, (B)ako'y laban sa iyo, Oh nananahan sa libis, at sa batohan ng kapatagan, sabi ng Panginoon; kayong nangagsasabi, Sinong bababang laban sa atin? o sinong papasok sa ating mga tahanan?
14 At aking parurusahan kayo ayon sa bunga ng inyong mga gawa, sabi ng Panginoon; at ako'y magsusulsol ng apoy sa kaniyang gubat, at susupukin niyaon ang lahat na nangasa palibot niyaon.
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978