Add parallel Print Page Options

Pero sinagot ko sila, “Sabihin nʼyo kay Zedekia na ito ang sinasabi ng Panginoon, ang Dios ng Israel, ‘Magiging walang kabuluhan ang mga sandata na inyong ginagamit sa pakikipagdigma nʼyo kay Nebucadnezar at sa mga kawal niya[a] na nakapaligid na sa inyo. Titipunin ko sila[b] sa gitna ng lungsod na ito. Ako mismo ang makikipaglaban sa inyo sa pamamagitan ng kapangyarihan ko dahil sa matindi kong galit.

Read full chapter

Footnotes

  1. 21:4 mga kawal niya: sa literal, mga Caldeo. Ganito rin sa talatang 9.
  2. 21:4 sila: o, ang mga sandata ninyo.