Add parallel Print Page Options

At pagkatapos, sabi ng Panginoon, (A)aking ibibigay si Sedechias na hari sa Juda, at ang kaniyang mga lingkod, at ang bayan, at yaong nangaiwan sa bayang ito na mula sa pagkasalot, mula sa tabak, at mula sa gutom, sa kamay ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia, at sa kamay ng kanilang mga kaaway, at sa kamay ng nagsisiusig ng kanilang buhay: at kaniyang susugatan sila ng talim ng tabak; (B)hindi niya patatawarin sila, o panghihinayangan man, o kaaawaan man.

At sa bayang ito ay sasabihin mo, Ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, (C)inilalagay ko sa harap ninyo ang daan ng kabuhayan at ang daan ng kamatayan,

Ang (D)tumatahan sa bayang ito ay mamamatay sa pamamagitan ng kagutom, at sa pamamagitan ng tabak at sa pamamagitan ng salot; nguni't ang lumalabas at kumakampi sa mga Caldeo na kumukubkob sa inyo, siya'y mabubuhay, at ang (E)kaniyang buhay ay magiging sa kaniya'y pinakahuli.

Read full chapter