Font Size
Jeremias 22:1-3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Jeremias 22:1-3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Tagubilin sa mga Namumuno sa Juda
22 Pinapunta ako ni Yahweh sa palasyo ng hari ng Juda at 2 ipinasabi niya sa hari, sa mga lingkod nito, at sa lahat ng taga-Jerusalem: 3 “Pairalin ninyo ang katarungan at katuwiran. Ipagtanggol ninyo ang mga naaapi laban sa mapagsamantala. Huwag ninyong sasaktan o aapihin ang mga dayuhan, mga ulila, at mga balo. Huwag kayong papatay ng mga taong walang kasalanan sa banal na lunsod na ito.
Read full chapter