Add parallel Print Page Options

Ang kalungkot-lungkot na katapusan ni Sallum.

10 Huwag ninyong iyakan (A)ang patay, o panaghuyan man ninyo siya; kundi iyakan ninyong mainam ang yumayaon; sapagka't (B)hindi na siya babalik, o makikita man niya ang kaniyang lupaing tinubuan.

11 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon tungkol kay (C)Sallum na anak ni Josias, na hari sa Juda, na nagharing kahalili ni Josias na kaniyang ama, (D)na lumabas sa dakong ito. Siya'y hindi na babalik pa rito:

12 Kundi sa dakong pinagdalhan sa kaniyang bihag, doon siya mamamatay, at hindi na niya makikita ang lupaing ito.

Read full chapter