Add parallel Print Page Options

22 Kaya pangangalatin ko ang mga pinuno nʼyo na parang ipa na tinatangay ng hangin, at bibihagin din ang mga kakampi nʼyong bansa. Talagang mapapahiya kayo dahil sa kasamaan ninyo.

23 “Kayong mga nakatira sa palasyo ng Jerusalem na gawa sa kahoy na sedro mula sa Lebanon, kahabag-habag kayo kapag dumating na sa inyo ang paghihirap, na parang babaeng naghihirap sa panganganak.

Ang Mensahe tungkol kay Jehoyakin

24 “Ako, ang buhay na Panginoon, ay sumusumpa na itatakwil kita, Haring Jehoyakin ng Juda na anak ni Jehoyakim. Kahit para kang singsing sa aking kanang kamay[a] na tanda ng kapangyarihan ko, tatanggalin kita sa daliri ko.

Read full chapter

Footnotes

  1. 22:24 singsing … kanang kamay: Ito ang tanda na ang hari ang kinatawan ng Dios.