Font Size
Jeremias 23:10-12
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Jeremias 23:10-12
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
10 Puno na ang lupain ng mga taong sumasamba sa mga dios-diosan,[a] dahil gumagawa ng kasamaan ang mga propeta at nagmamalabis sa kapangyarihan nila. At dahil ditoʼy isinumpa ng Panginoon ang lupain, kaya natuyo at nalanta ang mga tanim. 11 Sapagkat ito ang sinasabi ng Panginoon, “Ang mga pari ay kagaya rin ng mga propeta. Pareho silang marumi at gumagawa ng kasamaan maging sa templo ko. 12 Kaya magiging madilim at madulas ang daan nila. Matitisod at madadapa sila dahil pasasapitin ko sa kanila ang kapahamakan sa panahon na parurusahan ko sila. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.
Read full chapterFootnotes
- 23:10 sumasamba sa mga dios-diosan: sa literal, nakikiapid sa mga babae o mga lalaki.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®