Jeremias 23:12-14
Ang Biblia (1978)
12 Kaya't ang kanilang daan ay magiging sa kanila'y parang mga madulas na dako sa kadiliman: sila'y isusudlong, at mangabubuwal doon; sapagka't (A)ako'y magpaparating ng kasamaan sa kanila, sa makatuwid baga'y sa taon ng pagdalaw sa kanila, sabi ng Panginoon.
13 At nakita ko ang kamangmangan sa mga propeta ng (B)Samaria; (C)sila'y nanganghuhula sa pamamagitan ni Baal, at inililigaw ang aking bayang Israel.
14 Sa mga propeta ng Jerusalem naman ay nakita ko ang kakilakilabot na bagay: (D)sila'y nangangalunya, at nagsisilakad sa mga kasinungalingan; at (E)kanilang pinalalakas ang mga kamay ng mga manggagawa ng kasamaan, na anopa't walang humihiwalay sa kaniyang kasamaan: silang lahat ay naging (F)parang Sodoma sa akin, at ang mga nananahan dito ay parang Gomorra.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978