Jeremias 23:8-10
Magandang Balita Biblia
8 At sa halip, sasabihin nila, ‘Saksi si Yahweh, ang Diyos na buháy[a] na nagpalaya at nanguna sa mga Israelita mula sa lupain sa hilaga at sa lahat ng lupaing pinagtapunan ko sa kanila. Babalik sila sa sariling lupa at doon muling mamumuhay.’”
Pagtuligsa sa mga Propetang Sinungaling
9 Tungkol sa mga bulaang propeta, ito ang pahayag ni Jeremias:
Halos madurog ang puso ko,
nanginginig ang aking buong katawan;
para akong isang lasing, na nasobrahan sa alak,
dahil sa matinding takot kay Yahweh
at sa kanyang mga banal na salita.
10 Sapagkat napakaraming tao sa lupaing ito ang hindi tapat kay Yahweh;
ginagamit nila ang kanilang kapangyarihan sa pagpapairal ng masama.
Dahil sa kanyang sumpa, nagluksa ang buong lupain
at natuyo ang mga pastulan.
Footnotes
- Jeremias 23:8 Saksi si Yahweh, ang Diyos na buháy: o kaya'y Hangga't si Yahweh ay nabubuhay .
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.