Add parallel Print Page Options

At sa halip, sasabihin nila, ‘Saksi si Yahweh, ang Diyos na buháy[a] na nagpalaya at nanguna sa mga Israelita mula sa lupain sa hilaga at sa lahat ng lupaing pinagtapunan ko sa kanila. Babalik sila sa sariling lupa at doon muling mamumuhay.’”

Pagtuligsa sa mga Propetang Sinungaling

Tungkol sa mga bulaang propeta, ito ang pahayag ni Jeremias:

Halos madurog ang puso ko,
    nanginginig ang aking buong katawan;
    para akong isang lasing, na nasobrahan sa alak,
dahil sa matinding takot kay Yahweh
    at sa kanyang mga banal na salita.
10 Sapagkat napakaraming tao sa lupaing ito ang hindi tapat kay Yahweh;
    ginagamit nila ang kanilang kapangyarihan sa pagpapairal ng masama.
Dahil sa kanyang sumpa, nagluksa ang buong lupain
    at natuyo ang mga pastulan.

Read full chapter

Footnotes

  1. 8 Saksi si Yahweh, ang Diyos na buháy: o kaya'y Hangga't si Yahweh ay nabubuhay .