Font Size
Jeremias 24:4-6
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Jeremias 24:4-6
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
4 Pagkatapos ay sinabi sa akin ni Yahweh, 5 “Akong si Yahweh, ang Diyos ng Israel, ang nagsasabi: Katulad ng mabubuting igos na iyan, ang mga taga-Juda na dinalang-bihag sa Babilonia ay itinuturing kong mabubuting tao. 6 Pangangalagaan ko sila at ibabalik balang araw sa kanilang lupain. Patatatagin ko sila at hindi lilipulin; itatanim at hindi bubunutin.
Read full chapter