Font Size
Jeremias 24:5-7
Ang Biblia (1978)
Jeremias 24:5-7
Ang Biblia (1978)
5 Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, Kung paano ang mga mabuting igos na ito, gayon ko kikilalanin ang mga bihag ng Juda, na aking pinayaon mula sa dakong ito na patungo sa lupain ng mga Caldeo, (A)sa ikabubuti.
6 Sapagka't aking itititig ang aking mga mata sa kanila sa ikabubuti, at (B)aking dadalhin sila uli sa lupaing ito: at aking itatayo sila, at hindi ko itutulak sila; at aking itatatag sila, at hindi ko paaalisin.
7 At aking bibigyan sila ng puso (C)upang makilala ako, na ako ang Panginoon: at (D)sila'y magiging aking bayan, at ako'y magiging kanilang Dios; sapagka't sila'y manunumbalik sa akin ng kanilang buong puso.
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978