Jeremias 24:6-8
Ang Biblia (1978)
6 Sapagka't aking itititig ang aking mga mata sa kanila sa ikabubuti, at (A)aking dadalhin sila uli sa lupaing ito: at aking itatayo sila, at hindi ko itutulak sila; at aking itatatag sila, at hindi ko paaalisin.
7 At aking bibigyan sila ng puso (B)upang makilala ako, na ako ang Panginoon: at (C)sila'y magiging aking bayan, at ako'y magiging kanilang Dios; sapagka't sila'y manunumbalik sa akin ng kanilang buong puso.
8 At kung paanong ang masasamang igos, na hindi makakain, dahil sa nangapakasama, tunay na ganito ang sabi ng Panginoon, Sa gayo'y pababayaan ko si (D)Sedechias na hari sa Juda, at ang kaniyang mga prinsipe, at ang nalabi sa Jerusalem, na naiwan sa lupaing ito, at (E)ang nagsisitahan sa lupain ng Egipto.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978