Add parallel Print Page Options

13 At aking gaganapin sa lupaing yaon ang lahat na aking salita na aking sinalita laban doon, lahat ng nakasulat (A)sa aklat na ito, na inihula ni Jeremias laban sa lahat na bansa.

14 Sapagka't (B)maraming bansa at mga dakilang hari ay paglilingkuran nila, nila nga; at gagantihan ko sila ayon sa kanilang mga kilos, at ayon sa gawa ng kanilang mga kamay.

Ang saro ng alak ng kapusukan ay inihandog sa lahat ng bansa.

15 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, sa akin, (C)Abutin mo itong saro ng alak ng kapusukan sa aking kamay, at painumin mo ang lahat na bansa na pinagsuguan ko sa iyo.

Read full chapter