Jeremias 28:13-15
Ang Biblia (1978)
13 Ikaw ay yumaon, at saysayin mo kay Hananias na iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoon: Iyong binali ang mga pamatok na kahoy, nguni't ginawa mo na kahalili ng mga yaon ay mga pamatok na bakal.
14 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, (A)Ako'y naglagay ng pamatok na bakal sa batok ng lahat na bansang ito, upang sila'y makapaglingkod (B)kay Nabucodonosor na hari sa Babilonia; at sila'y mangaglilingkod sa kaniya: at ibinigay ko (C)rin sa kaniya ang mga hayop sa parang.
15 Nang magkagayo'y sinabi ng propeta Jeremias kay Hananias na propeta, Dinggin mo ngayon, Hananias; hindi ka sinugo ng Panginoon; kundi (D)iyong pinaasa ang bayang ito sa kasinungalingan.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978