Jeremias 29:16-18
Ang Biblia (1978)
16 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon tungkol sa hari na (A)nauupo sa luklukan ni David, at tungkol sa buong bayan na tumatahan sa bayang ito, sa inyo ngang mga kapatid na hindi nagsilabas na kasama ninyo sa pagkabihag;
17 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Narito, aking susuguin sa kanila ang (B)tabak, ang kagutom at ang salot, at gagawin ko silang parang (C)masamang igos, na hindi makakain, dahil sa nangapakasama.
18 At aking hahabulin sila ng tabak, at kagutom, at ng salot, at (D)aking ibibigay sila sa kakutyaan na paroo't parito sa gitna ng lahat na kaharian sa lupa, (E)upang maging kasumpaan, at katigilan, at kasutsutan, at katuyaan, sa gitna ng lahat na bansa na aking pinagtabuyan sa kanila;
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978